Usman pinaghahandaan; mga biyaheng pa-Visayas kinansela | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Usman pinaghahandaan; mga biyaheng pa-Visayas kinansela

Usman pinaghahandaan; mga biyaheng pa-Visayas kinansela

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Naghahanda na ang mga residente ng Eastern Visayas sa inaasahang pagla-landfall ng bagyong Usman sa mga darating na araw.

Inilabas na ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ng Biliran, Leyte ang kanilang mga rescue boats at nakikipag-ugnayan na sa mga municipal disaster office bilang paghahanda sa bagyo.

Binabantayan na rin nila ang banta ng pagguho ng lupa o pagbaha sa mga darating na araw.

“Kinatatakutan lang namin ngayon 'yung mga areas na prone sa landslide at saka flooding,” ayon kay PDRMMO Biliran head Jun Dacillo.

ADVERTISEMENT

Nanawagan din si Dacillo sa mga naninirahan sa tabing-dagat, tabing-ilog, at mga kabahayan malapit sa mga bundok na maging
alerto.

Balak ng residenteng si Imelda Borongan na lumikas matapos madala sa pagkamatay ng kaanak sa nangyaring landslide noong nakaraang taon.

Agad nang nagligpit ng damit si Maricel Latagan kung sakaling ipag-utos ang paglikas.

Binabantayan din ang panahon sa Tacloban City, Leyte at naghahanda na ang mga residente sakaling ipag-utos ang paglikas.

ILANG BIYAHE KINANSELA

Hindi man ramdam ang bagyo, nagkansela na ng biyaheng Visayas ang ilang mga pantalan at terminal sa ilang bahagi ng bansa ngayong araw.

ADVERTISEMENT

Kinansela na sa Biliran City ang mga biyahe ng mga maliliit na sasakyang pandagat bunsod ng gale warning. Kinansela na rin ng Philippine Coast Guard ang mga biyahe ng Fast Craft at Roro Vessels mula Bredco port sa Bacolod City patungong Iloilo.

Higit 400 na pasahero naman ang stranded sa Cebu port nang kanselahin ang mga biyahe papuntang Samar at Leyte.

Na-stranded din ang higit 100 residente sa Pasacao Port sa Camarines Sur, maging ang mga biyaheng papuntang Cebu at Maynila sa Nasipit Port sa Agusan Del Norte.

Kinansela naman nitong umaga ang mga biyahe mula Batangas port papuntang Odiongan, Romblon, Caticlan, at Roxas.

Tiniyak ng Philippine Ports Authority na magbibigay sila ng tulong gaya ng pagkain para sa mga stranded na pasahero.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

Samantala, kinansela na rin ng ilang kompanyang nakapaloob sa Aranera Center Bus Terminal ang mga biyahe ng mga bus na may tawid-dagat dahil sa bagyo.

Kabilang dito ang Eagle Star, Silver Star, Mega Bus, Elavil, at Isarog na biyaheng Samar, Leyte, Catanduanes at Masbate.

Dahil dito nagpasya ang ilang pasahero na manatili sa terminal hanggang magkaroon muli ng biyahe.

Fully booked na rin ang mga biyaheng Visayas hanggang Disyembre 31 at mahaba ang pila ng mga bumibili ng ticket hanggang Enero 2.

Ipinayo ng mga bus companies sa mga babiyahe na mas mainam na munang tumawag o mag-abang sa abiso ng Philippine Coast Guard para maiwasang ma-stranded nang matagal sa terminal.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

LAGAY NG PANAHON

Itinaas naman ang Storm Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

LUZON: Romblon, Catanduanes, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Masbate, Ticao at Burias Islands

VISAYAS: Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Northern Cebu, Camotes Islands, Aklan, Capiz, Northern Iloilo, at Northern Negros Occidental

MINDANAO: Dinagat Island

Huling namataan ang bagyo 410 kilometro mula sa Guiuan, Eastern Samar, at may hanging taglay na 55 kilometro kada oras (kilometers per hour o kph) at pagbugsong aabot sa 65 kph.

ADVERTISEMENT

Pakanluran pa rin ang direksiyon ng bagyo pero bumagal ang takbo nito sa 10 kph.

Inaasahang magdudulot ng katamtaman hanggang mabigat na ulan ang bagyo na posibleng magdulot ng mga landslide.

Makakaranas na ng pag-ulan ang Eastern at Central Visayas pati na rin ang Bicol Region simula ngayong gabi.

Makakaranas naman ng moderate to heavy rains ang buong Visayas, Bicol Region, Mindoro, Romblon, Marinduque, Calabarzon, Cagayan Valley, at Aurora.

Pinakamatindi naman ang ulan sa Quezon, Bicol Region, at sa Northern at Eastern Samar, batay sa rainfall forecast ng The Weather Company.

ADVERTISEMENT

Magiging maulan din sa Metro Manila nitong Biyernes at Sabado dahil sa convergence o pagsanib ng bagyo at amihan at inaasahang bubuti ang panahon sa Linggo.

Inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility ang bagyo sa Linggo (Disyembre 30) o sa Lunes (Disyembre 31). -- Ulat nina Ranulfo Docdocan, Angel Movido, at Bettina Magsaysay, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.