Nag-Pasko sa dagat: Mangingisda ligtas matapos ang 3 araw sa laot | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Nag-Pasko sa dagat: Mangingisda ligtas matapos ang 3 araw sa laot

Nag-Pasko sa dagat: Mangingisda ligtas matapos ang 3 araw sa laot

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 26, 2022 04:19 PM PHT

Clipboard

https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2022/tvpatrol/12/26/jaime-cawaja.jpg

(UPDATED) Isang mangingisda ang milagrong nakaligtas matapos magpalutang lutang ang bangka nito sa laot ng 3 araw.

Sa dagat nag-pasko ang mangingisda na Jaime Cawaja, na mula sa Brgy. Palactad, Quinapondan, Eastern Samar.

Gutom at walang lakas ang 47-anyos na mangingisda ng ma-rescue ng mga awtoridad sa may Barangay Balagawan, Silago, Southern Leyte, nitong Lunes.

https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2022/tvpatrol/12/26/bangka.jpg

Ayon sa imbestigasyon, hindi gumana ang fishing motor boat dahil nasira ang spark plug nito habang siya ay nasa laot.

ADVERTISEMENT

Unang iniulat ng Quinapondan Municipal Police na nawawala si Cawaja, kasama ang kapwa manginigsda na si Elmer Cawaja na huling nakitang sakay ng berdeng pumpboat.

Lubos naman ang pasasalamat ni Jaime sa lahat ng tumulong sa kaniya at siya ay nagagalak na makakasama niya ang kaniyang pamilya sa selebrasyon ng bagong taon.

- Sharon Evite

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.