17 sugatan sa naaksidenteng van sa Batangas noong Pasko | ABS-CBN
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
17 sugatan sa naaksidenteng van sa Batangas noong Pasko

Dennis Datu,
ABS-CBN News
Published Dec 26, 2022 02:37 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
Labing-pitong tao, kabilang ang 5 bata, ang nasugatan matapos mahulog sa malalim na gilid ng kalsada ang sinasakyan nilang van sa San Jose, Batangas noong Linggo, araw ng Pasko.

Kasama umano sa mga naaksidente ang isang 9 na buwang gulang na sanggol.

Isinugod ng mga rescue team sa San Jose District Hospital, Metro San Jose Medical Center at Mary Mediatrix Medical Center ang mga biktima.

Ayon kay Lt. Noemi Deocalas ng San Jose police, pinakiusapan lang ng mga pasahero ang driver at may-ari ng van na ihatid sila sa Mindoro.

ADVERTISEMENT
Mabilis din umano ang takbo ng sasakyan at hindi napansin ang pakurbadang daan, kaya nawalan ng kontrol ang van at diretsong nahulog sa malalim na gilid ng kalsada.

Hindi na umano kakasuhan ang van driver dahil nagkausap na sila ng mga pasahero.