Walang pagkain, sira ang kabuhayan: Mga taga Siargao patuloy na umaapela ng tulong | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Walang pagkain, sira ang kabuhayan: Mga taga Siargao patuloy na umaapela ng tulong

Walang pagkain, sira ang kabuhayan: Mga taga Siargao patuloy na umaapela ng tulong

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 26, 2021 07:00 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Naantala ang pagdating ng mga tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette sa Siargao island matapos sumadsad ang barge na may dalang mga relief goods.

Ayon kay Surigao Del Norte Governor Francisco Matugas Jr., sa ngayon ay cash for work program ang maibibigay na alternatibong hanapbuhay mula sa national government habang hinihintay na makarekober dahil talagang walang-walang hanapbuhay ngayon sa lugar.

Literal na nakasulat sa lupa at mga kalsada ang paghingi ngayon ng tulong ng mga taga-Siargao island para sa pagkain at tubig na kanilang kailangan.

Wala na ring mapagkunan ng kabuhayan ang mga residente pati na rin bahid ng luntian ang bundok matapos magtumbahan at mamatay ang mga puno gaya ng niyog.

Kada tatlong buwan, kumikita ang mga magkokopra pero ngayon, ilang taon ang bibilangin bago makarekober ang mga puno ng niyog.

ADVERTISEMENT

“Ang pag-asa namin matulungan kami ng gobyerno, sana maraming tao ang makatulong,” ani Cherry Ravelo, may taniman na niyog.

“Nagawa na lang ng paraan para mabuhay,” ani Jonsie Guindolman, isa pang may taniman na niyog.

Hindi rin makapangisda dahil nasira ang mga bangka at sa pagkasira rin ng mga resort, nawala na rin ang mga turista.

Ayon kay Matugas, nakatanggap na ng unang ayuda ang lahat ng mga taga-Siargao at nahatiran na rin ng tulong kahit ang malalayong barangay.

Ngayong araw sana, sisimulan ang pamamahagi ng second batch ng mga ayuda pero naantala ito sa pagsadsad ng barge na may lulan ng mga trak ng relief goods sa may barangay cabasak.

ADVERTISEMENT

“Until today andyan pa rin, with the help of Coast Guard we will try to bring another LCT para mailapit mga cargo, baka maka-float s’ya ... bigas, canned goods andyan lahat, this will be our second round of distribution kasi all over municipalities in Siargao naka-distriibute na tayo lahat,” ani Matugas.

Habang wala pang permanenteng mapagkukunan ng kabuhayan, may cash for work program munang ibibigay at may tig-P5,000 din mula sa National Housing Authority ang bawat pamilyang nawalan ng bahay .

Ayon kay Matugas, matatagalan pa bago makarekober ang isla at hindi pa rin masukat ang laki ng pinsala, mula sa mga bahay na nawasak, mga sports complex, evacuation center at munisipyo na pinabagsak ng Bagyong Odette.

—Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.