ALAMIN: Presyo ng prutas sa Mega Q Mart ilang araw bago mag-Bagong Taon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Presyo ng prutas sa Mega Q Mart ilang araw bago mag-Bagong Taon

ALAMIN: Presyo ng prutas sa Mega Q Mart ilang araw bago mag-Bagong Taon

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Suwerte kung ituring ang paghahain ng mga mabilog na prutas kapag Bagong Taon.

Dahil dito, paunti-unti nang tumataas ang presyo ng ilan sa ibinebentang prutas sa Mega Q Market ngayong Huwebes, Disyembre 26, 2019.

Nasa P120 kada kilo ngayon ang mangga, mula sa P100 kada kilo.

Ang watermelon o pakwan naman ay tumaas ng P70 mula sa dating P50, habang nasa P150 kada kilo mula P120 kada kilo ang malalaking klase ng pakwan.

ADVERTISEMENT

P60 kada kilo naman mula P40 ang kada kilo ng maliliit na pinya, habang P130 kada kilo mula P80 kada kilo ang presyo ng malaking pinya.

Tinatayang nasa P260 hanggang P300 kada kilo naman ang kada kilo ng ubas mula P200.

Wala pa namang paggalaw sa presyo ng mga sumusunod na prutas:

  • Kiat kiat→ P50/kilo
  • Fuji apple (malalaki) → P20 hanggang P25/piraso
  • Fuji apple (maliliit)→ P10/piraso
  • Peras → P25/piraso
  • Lemon→ P18/piraso
  • Green apple → P28/piraso
  • Orange → P25/piraso

Gayunman, inaasahang tataas pa ang presyo ng mga bilihin bukas hanggang Disyembre 31, bisperas ng Bagong Taon.

-- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.