Lalaki tinangay ang kita, produkto ng pinagtatrabahuhang tindahan sa Baguio | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki tinangay ang kita, produkto ng pinagtatrabahuhang tindahan sa Baguio

Micaella Ilao,
ABS-CBN News
Published Dec 26, 2017 06:18 PM PHT

BAGUIO CITY - Ninakaw ng umano’y empleyado na si Davidson Miranda ang nasa halos kalahating milyong pisong halaga ng pera at produkto sa pinagtatrabahuang shop sa lungsod na ito noong ika-18 ng Disyembre.

Ayon sa amo at may-ari ng tindahan na si Cherrylyn Berongoy, anim na buwan nilang naging empleyado si Miranda.

Lisensyadong therapist din siya kaya agad silang naniwala sa suspek, kaya di niya akalain na pagnanakawan sila ng naging katiwala.

Nakunan sa CCTV ng gusali kung nasaan ang shop ang pagnanakaw.

ADVERTISEMENT
Sa unang kuha makikita na pumasok sa gusali ang lalaking nakasuot ng polo shirt at camouflage na pantalon.

Dumeretso siya paakyat sa shop at dito na kinuha ang mga gamit at pera.

Nagpatulong pa itong magbuhat sa mga nasa kalapit na pwesto at saka isinakay sa jeep ang mga ninakaw.

P20,000 na pera, sampung kilo ng mga silver, at mga kahon ng ointment ang ninakaw ng suspek.

Ayon sa tumulong sa suspek di niya alam na nakaw pala ang mga kahong binuhat.

"Sabi niya kasi sa akin, 'Bro patulong naman magbuhat,' di ko naman po alam na nagnanakaw na po siya," sabi ng pinaghingan ng tulong ng suspek.

Ayon pa sa may-ari ng shop mayroong duplicate ng susi ang suspek kaya madaling nabuksan ang tindahan.

Sa ngayon, patuloy pa ang paghahanap kay Miranda.

Sa mga may impormasyon tungkol sa suspek agad makipag-ugnayan sa awtoridad.