Ramdam na sa Tacloban City sa Leyte ang paghagupit ng bagyong Ursula.
Sa bidyong kuha ng ABS-CBN News kaninang 6:00 ng gabi, makikita na ang malakas na pag-ulan at pagbugso ng hangin sa siyudad.
Wala na ring suplay ng kuryente sa siyudad.
Pinasok na rin ng tubig ulan ang opisina ng ABS-CBN News sa Tacloban City dahil sa lakas ng hangin.
Geron Ponferrada, ABS-CBN News
Nagtulong-tulong ang mga empleyado para linisin ang tubig at maprotektahan ang mga kagamitang maaring masira ng tubig.
Sa isa pang bidyo na kuha sa labas ng opisina, maririnig ang malakas na hangin at makikita ang malakas na pag-ulan sa siyudad.
Geron Ponferrada, ABS-CBN News
May mga nabuwal na ring puno at unti-unti nang tumataas ang tubig sa ilang kalsada sa lungsod.
Jenette Fariola-Ruedas, ABS-CBN News
Jenette Fariola-Ruedas, ABS-CBN News
Kasalukuyang nakataas ang tropical cyclone wind signal number 3 sa mga lalawigan ng Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte, extreme Northern Cebu kasama ang Camotes Island (Daaanbantayan, Medellin, Bantayan, Sta. Fe, Madridejos, San Francisco, Poro, Tudela, Pilar), Capiz, Aklan, at Masbate, kasama ang Ticao Island.
Ayon sa 8 p.m. weather advisory ng PAGASA, nasa bahagi na ng Marabut, Samar ang mata ng bagyong Ursula.