VIRAL: Babae, pumalag sa lalaking nagpakita ng ari sa bus | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
VIRAL: Babae, pumalag sa lalaking nagpakita ng ari sa bus

ABS-CBN News
Published Dec 24, 2018 08:22 PM PHT

Nag-viral sa social media ang video ng isang babae na pumalag sa isang lalaking nagpakita sa kaniya ng ari nito habang pareho silang nakasakay sa pampasaherong bus.

Umani ng 1.4 milyon views sa Twitter ang video na in-upload ni Joshua Paciben sa social media at kinuhanan mismo ng babaeng pasahero.

Sa video, punuan ang bus at nakatayo ang lalaki nang bigla nitong ipinakita ang kaniyang ari sa babaeng pasaherong nakaupo.

Nang sitahin siya ng babae, tinakpan niya ang kaniyang ari gamit ang backpack para hindi makita ng ibang pasahero.
Nang sitahin siya ng babae, tinakpan niya ang kaniyang ari gamit ang backpack para hindi makita ng ibang pasahero.
ADVERTISEMENT
Pinagmumura pa ng babaeng pasahero ang lalaki dala ng galit.

Mapapanood din sa video na isinara pa ng lalaki ang zipper ng kaniyang pantalon.

Ayon sa nag-upload na si Paciben, hindi kaniya ang video at nabura ang orihinal na nag-upload nito.

Ni-repost lang ni Paciben ang video bilang babala daw sa lahat ng mga sumasakay sa mga pampublikong sasakyan.

Inihayag din ni Paciben ang kaniyang pagkabilib sa babae dahil naging matapang ito sa gitna ng situwasyon.

Naiparating na sa Philippine National Police ang insidente.

--Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT