8 nailigtas sa lumubog na bangka sa Batangas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

8 nailigtas sa lumubog na bangka sa Batangas

8 nailigtas sa lumubog na bangka sa Batangas

Dennis Datu,

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 23, 2022 11:17 PM PHT

Clipboard

Larawan mula kay Alex Pimentel, Nasugbu MDRRMO
Larawan mula kay Alex Pimentel, Nasugbu MDRRMO

Walong magkakamag-anak, kabilang ang mga bata, ang nasagip matapos lumubog ang sinasakyang bangkang de-motor sa karagatan ng Nasugbu, Batangas nitong Biyernes ng umaga.

Ayon kay Nasugbu MDRRMO Head Alex Pimentel, galing sa Bataan ang mga magkakamag-anak.

Papunta umano sana sila sa Christmas reunion sa Lian, Batangas nang hampasin ng malalaking alon ang sinasakyang bangka dahilan para lumubog.

Bumiyahe umano ang bangka kahit may ipinalabas ng gale warning ang Philippine Coast Guard, dagdag ni Pimentel.

ADVERTISEMENT

Mabilis namang kumilos at nagsagawa ng rescue operations ang mga residente ng Sitio Iba sa Barangay Papaya nang makita ang mga lumulutang na mga biktima.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.