UK flights bawal muna pumasok sa PH simula Disyembre 24 | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

UK flights bawal muna pumasok sa PH simula Disyembre 24

UK flights bawal muna pumasok sa PH simula Disyembre 24

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 23, 2020 07:00 PM PHT

Clipboard

Dumadaan sa health screening ang mga pasaherong dumarating sa Ninoy Aquino International Airport, Pebrero 4, 2020. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File

MAYNILA (UPDATE) — Bawal munang pumasok sa bansa ang lahat ng flights mula United Kingdom simula hatinggabi ng Disyembre 24, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ito'y sa harap ng natuklasang bagong strain ng SARS-CoV-2, ang virus na nagdudulot ng COVID-19, sa nasabing bansa.

Sinabi sa Teleradyo ni Roque na hindi rin papapasukin sa bansa ang mga galing UK 14 na araw bago ang Disyembre 24.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Papayagan namang maka-landing ang mga nasa biyahe na ngayon pauwi ng Pilipinas pero dapat umano silang sumailalim sa mandatory 14-day quarantine sa New Clark City sa Tarlac, kahit ano man ang resulta ng kanilang swab test.

ADVERTISEMENT

Tatagal ang suspensiyon ng flights hanggang Disyembre 31.

Ipinaliwanag ni Health Secretary Francisco Duque III na ang ban ay isang pag-iingat, lalo't walang kasiguraduhan ukol sa bagong strain.

"Maigi na 'yong mas mag-iingat tayo at kumpletuhin ang 14-day quarantine period," ani Duque.

Ayon sa infectious disease expert na si Dr. Rontgene Solante, wala pang patunay na nagdudulot ang bagong strain ng mas malalang infection.

"Ang pangamba natin 'pag ang isang tao nahawahan ng ganitong strain mas mabilis niyang mahahawa ito sa tao rin," ani Solante.

ADVERTISEMENT

Suportado naman ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang pasya ng ban sa flights mula UK para mapangalagaan ang kaligtasan ng publiko.

Samantala, wala pang ban sa pagpasok ng cargo vessels mula UK, ayon sa Department of Trade and Industry.

Sa ngayon, 464,004 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas, kung saan 24,984 ang active cases o hindi pa gumagaling sa sakit.

— May ulat ni Willard Cheng, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.