Mga batang naulila sa war on drugs nakatanggap ng pamaskong regalo | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga batang naulila sa war on drugs nakatanggap ng pamaskong regalo

Raya Capulong,
ABS-CBN News
Published Dec 21, 2022 04:52 PM PHT

Maging ligtas ang kani-kanilang pamilya.

Iyon ang dasal ngayong darating na Pasko ng mga batang naulila ng mga nabiktima ng umano'y extrajudicial killings noong kasagsagan ng drug war ng nakaraang administrasyon.

Hindi man personal na magkakakilala pero pinagbuklod-buklod sila ng kanilang mapait na karanasan at pangungulila sa kanilang mga mahal sa buhay.

Nagsama-sama ngayong Miyerkoles ang nasa higit 30 bata sa isang Christmas gathering ng Program Paghilom, isang programang tumutulong sa pamilya ng mga nasawi sa drug war.

ADVERTISEMENT
Kabilang sa programa ang mga palaro, gift-giving at salu-salo.

"Special siyempre ang Pasko sapagkat naniniwala tayo na si Hesus ay sabihin natin na unang biktima rin ng 'tokhang' noong panahon niya. Tinokhang din sya ni Pilato at dahil doon, mag-ugnayan 'yong mga biniktima at si Hesus na binktima rin para tayo ay mabigyan ng kaligtasan, kapayapaan at pagpapahalaga sa buhay," ani Fr. Flavie Villanueva na bumuo sa programa.

Kasama sa lumahok sa aktibidad ang 14 anyos na si alyas "Kristel," na limang taon nang nangungulila sa amang napatay sa drug war noong Pebrero 2017.

"'Yong hinahatid-sundo niya ako sa school, 'yon ang pinakanami-miss ko," ani "Kristel."

Taong 2020 nang sumailalim sa Program Paghilom si "Kristel." Malaki umano ang naitulong nito para makayanan niya ang pangungulila sa ama.

"Nagkaroon kami ng sandalan. Mayroon din palang mga taong naghihirap tulad namin," aniya.

"Bagama't sila ay nawalan, mayroon dahilan para ngumiti [sila]. At isang dahilan doon, pinapaala natin na may buhay pa sila," ani VIllanueva.

Sa mga nais tumulong o mag-donate sa Program Paghilom, maaaring magtungo sa Catholic Trade Building sa Sta. Cruz, Maynila.

RELATED VIDEO
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
war on drugs
Project Paghilom
Pasko
Christmas gifts
gift giving
Fr. Flavie Villanueva
Christmas 2022
Pasko 2022
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT