Joma, gusto pa ring umuwi ng Pilipinas hanggang sa huling sandali | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Joma, gusto pa ring umuwi ng Pilipinas hanggang sa huling sandali

Joma, gusto pa ring umuwi ng Pilipinas hanggang sa huling sandali

Jofelle Tesorio | TFC News Netherlands

 | 

Updated Dec 23, 2022 01:29 AM PHT

Clipboard

UTRECHT - Pumanaw sa edad na 83 ang nagtatag ng Communist Party of the Philippines at National People's Army na si Jose Maria "Joma" Sison noong December 16. Nagsimula na rin ang kanyang lamay nitong December 18.

Sa opisyal na pahayag ng CPP-NPA, dinala si Sison sa isang ospital sa Utrecht, The Netherlands kung saan mahigit dalawang linggo siyang naka-confine.

Joma rip2

Ayon kay Luis Jalandoni, Senior NDFP consultant at kaibigan ni Joma Sison, "heart failure" umano ang dahilan ng kanyang kamatayan.

Binuo ni Sison ang CPP base sa Marxist-Leninist-Maoist ideology noong 1968. Matapos ang isang taon ay naitatag naman ang armadong kilusang New People's Army (NPA) o Bagong Hukbong Bayan.

ADVERTISEMENT

Nahuli ng mga awtoridad si Sison noong 1977. Matapos ang EDSA People Power revoluition, nakabalik siya sa pagtuturo sa University of the Philippines matapos siyang pakawalan sa kulungan ni dating Pangulong Corazon Aquino noong 1986.

Joma and Cory
Ang pagkikita ni dating Pangulong Corazon Aquino at CPP-NPA founder Jose Maria "Joma" Sison matapos siyang pakawalan sa kulungan noong 1986. (Photo courtesy of josemariasison.org)

Nag-apply siya ng political asylum sa The Netherlands noong 1988 matapos kanselahin ng Philippine government ang kanyang Philippine passport.

pnb speech
Larawan ni Jose Maria "Joma" Sison habang nagbibigay ng political report sa Partido ng Bayan founding congress (Photo courtesy of josemariasison.org)

Sa loob ng 30-taon sa The Netherlands naging aktibo siya sa pagbibigay ng lectures, pagsusulat ng libro at blogs tungkol sa kanilang ideyalismo at people’s struggles.

Ginawa niyang sentro ng kanyang political lectures ang Utrecht.

Utrech speect
Ang talumpati ni CPP-NPA founder Jose Maria Sison sa ika-21 anibersaryo ng pagkakatatag ng National Democratic Front of the Philippines noong April 24, 1994 sa Utrecht, The Netherlands (Photo courtesy of josemariasison.org)

Noong panahon ni dating pangulong Duterte, tinangkang magkaroon ng peace negotiation sa pagitan ng Philippine government at CPP sa pangunguna ni Sison at mga lider ng National Democratic Front subalit walang ibinunga ang mga pag-uusap.

Bagamat namuhay si Sison sa The Netherlands ng tatlong dekada hindi nabigyan ng refugee status o residence permit man lang si Sison.

Noong 1996, pinayagan siya ng gobyerno ng The Netherlands na manatili sa dahilang may banta raw sa kanyang buhay kung uuwi siya sa Pilipinas.

Assylum case
Larawan ni Jose Maria Sison kasama ng kanyang Dutch at Filipino supporters sa isang public meeting tungkol sa kanyang asylum case noong dekada nobenta sa The Netherlands. (Photo courtesy of josemariasison.org)

Noong 2002, inilagay ng European Union si Sison sa listahan ng mga tao o organisasyon na sumusuporta sa terorismo subalit binawi naman ito matapos ng ilang taon.

Sa mga huling interview ng ABS-CBN kay Sison, pangarap daw niyang ang makabalik pa rin sa inang bayan kahit bawian na siya ng buhay.

“Someday I will return physically or in ashes after my cremation but I always consider myself being in the Philippines. I am with the people. I have many comrades and friends in the Philippines, so I don’t really care when I shall be able to return to the Philippines.” pahayag ni Joma Sison sa isang TV interview ng ANC noong August 2018.

Ayon sa kanyang mga kaibigan sa Utrecht, madalas nababanggit ni Sison noon na gusto pa rin niyang makauwi ng Pilipinas.

“Sometimes the heart yearns for mangoes, expression lang ‘yon na gustong-gusto niya ring makauwi,” sabi ni Luis Jalandoni, Senior NDFP consultant at kaibigan ni Joma Sison.

“Alam ko gusto pa niyang umuwi, that’s true. Lahat naman kami, lahat naman tayo,” sabi ni Coni Ledesma, Senior NDFP negotiator at kaibigan ni Joma Sison.

Ilang araw bago pumanaw si Sison ay nababanggit pa rin niya ang peace talks.

“If there are peace talks, we continue with the peace talks. If not we continue organizing, giving education sessions,” dagdag ni Ledesma.

tribute
Nagbigay pugay sa namayapang CPP-NPA founder Jose Maria "Joma" Sison noong Lunes, December 19, 2022 ang mga estudyante at aktibista sa loob ng University of the Philippines. (Photo courtesy of ABS-CBN News)

Ayon sa senior officials ng Philippine Embassy sa The Netherlands, magbibigay sila ng consular assistance at services gaya ng processing ng mortuary certificate at bukas umano ang embahada sa anumang hiling ng pamilya Sison.

Nakatakda ang cremation ni Sison sa Crematorium Daelwijck, Utrecht, sa December 27.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa The Netherlands, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more News on iWantTFC

Read More:

TFC News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.