Holdaper umano ng taxi, arestado | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Holdaper umano ng taxi, arestado

Holdaper umano ng taxi, arestado

ABS-CBN News

Clipboard

Arestado ang isang lalaki matapos mangholdap ng isang taxi sa Mandaluyong City.

Kinilala ang suspek na si Joma Niegas na aminadong lasing at naka-shabu.

"Trip trip lang po. Na impluwensyahan lang ako," ayon kay Niegas nang panayamin ng ABS-CBN News.

Kwento ng nabiktimang taxi driver na si Ariel Buslon, sumakay si Niegas at ang 2 nitong kasamahan malapit sa Mandaluyong City Hall.

ADVERTISEMENT

Nagpapahatid ang mga suspek papunta sa isang mall sa EDSA.

Maya-maya, pinabalik ng mga suspek ang taxi para may kunin na naiwang bag sa Barangay Plainview.

Bumaba ang isa sa kanila. Naiwan si Niegas at ang isang kasamahan nito kung saan nagdeklara sila ng holdap.

"Tinutukan ako ng patalim sa leeg. Takot na takot ako nun. Akala ko papatayin ako," kwento ni Buslon.

Pinalipat ng mga holdaper ang driver sa passenger seat at saka nila minaneho ang sasakyan.

Nasagi pa nito ang ilang tricycle. Habang paatras, sumagi ang bumper nito sa isang plant box kaya tumagilid.

"Nakita ko na lang nakatagilid na. Nagkakagulo mga tao. Mga holdaper pala," sabi ni Arnel Aday, isang barangay tanod sa lugar.

Pinagbubugbog ng mga residente si Niegas at saka inaresto ng Mandaluyong police.

Pinaghahanap pa ng mga pulis ang 2 kasamahan nito. - Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.