Mag-ina, patay nang malunod sa ilog | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mag-ina, patay nang malunod sa ilog
Mag-ina, patay nang malunod sa ilog
Marty Go,
ABS-CBN News
Published Dec 19, 2018 12:23 PM PHT

SILAY CITY, Negros Occidental – Patay ang 34-anyos na babae at ang kaniyang 14 na taong gulang na anak na babae matapos malunod sa ilog, Martes ng umaga.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naglalaba sa tabi ng Malisbog River sa Barangay E. Lopez si Malou Caloring habang naglalaro naman ang kaniyang 2 anak na babae.

Kuwento ng mga residente na nakakita sa insidente, biglang nabuwag umano ang lupang kinatatayuan ng mga anak ni Caloring sa tabing ilog kaya’t nahulog ang mga ito sa tubig.

Unang naisalba ng ina ang kaniyang 2-taong gulang na anak. Sinubukan niya ring sagipin ang dalagitang anak pero sabay silang nalunod.

ADVERTISEMENT
Idineklarang dead on arrival na sa pagamutan ang ina habang tanghali na nang matagpuan ang bangkay ng kaniyang anak sa ilog.

Nakatira sa Bais City, Negros Oriental ang mag-iina at pumunta lang sa Silay City para bumisita sa kaniyang pamilya.

Binalaan din umano siya ng kaniyang ina na huwag nang maglaba sa ilog dahil delikado pero hindi nakinig at isinama pa ang dalawang anak.