Baby 'Catriona Gray,' isinilang sa Davao del Sur | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Baby 'Catriona Gray,' isinilang sa Davao del Sur

Baby 'Catriona Gray,' isinilang sa Davao del Sur

Chrislen Bulosan,

ABS-CBN News

Clipboard

Nagdesisyon ang mag-partner na ipangalan kay Catriona Gray ang kanilang bunso at tanging babae sa apat nilang mga anak nang manalo ang pambato ng Pilipinas bilang Miss Universe 2018 sa Thailand. Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

DAVAO CITY – Isang bagong silang na sanggol ang pinangalanang Catriona Gray, hango sa pangalan ng beauty queen ng Pilipinas na nakapag-uwi ng ikaapat na korona sa katatapos lamang na Miss Universe 2018 sa Thailand.

Malusog na iniluwal ni Jovelyn Indo ang bunsong babae nila ni Benjie Flores sa Davao del Sur, Linggo ng gabi.

Ayon sa mag-partner, plano nilang pangalanang “Princess” ang nag-iisang babae sa apat nilang mga anak. Pero habang nanonood ng Miss Universe noong Lunes at masaksihan ang tagumpay ng pambato ng Pilipinas, nagpasya ang dalawa na pangalanang Catriona Gray ang bunsong anak.

Crush din umano ng tatay ni Baby Catriona ang Miss Universe queen.

ADVERTISEMENT

Hindi naman umano hahadlangan ng mga magulang si Baby Catriona kung gusto nitong sundan ang mga yapak ng beauty queen paglaki. Pero hiling lang nila na lumaki itong mabuti at may prinsipyo sa buhay, tulad ni Gray.

Sa ngayon, panalangin lang nila Benjie at Jovelyn na maging mabuting ehemplo sa iba ang anak paglaki.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.