Mga naulila ng drug war ni Duterte nabuhayan ng loob sa ICC prosecutor report | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga naulila ng drug war ni Duterte nabuhayan ng loob sa ICC prosecutor report

Mga naulila ng drug war ni Duterte nabuhayan ng loob sa ICC prosecutor report

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Tatlong taon nang naghahanap ng hustisya ang 66-taong gulang na si Llore Benedicto Pasco para sa kaniyang 2 anak.

Napatay sina Crisanto at Juan Carlos Lozano sa Arboretum sa Quezon City noong Mayo 2017, kasama ang isa pang lalaki.

Mga holdaper umano sila na nanlaban sa mga pulis. Nakuhanan ng mga baril ang magkapatid pero duda si Pasco dito.

"Yung nakita nila dun, yung anak kong nakahawak ng .38, kaliwete yun pero nasa kanan yung baril," sabi ng ina.

Tingin niya, napatay ang dalawa matapos kusang magpalista sa barangay drug watchlist. Dati silang drug user pero tumigil na umano.

ADVERTISEMENT

"In-encourage ko sila na talagang pumunta kayo tutal malinis naman na ang record niyo... Nakakagalit talaga... Wala talagang nag-akala na yung pagpapalista sa barangay na yun ay magiging mitsa ng buhay nila," sabi niya.

Nabuhayan ng loob si Pasco sa paglabas ng ulat nitong Martes ng Office of the Prosecutor ng International Criminal Court (ICC).

Nakakita umano ito ng "reasonable basis" para sabihing may mga naganap ng crimes against humanity sa Pilipinas magmula nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 2016 hanggang umalis ang bansa sa ICC noong Marso 2019.

Para sa mga eksperto, malaking bagay ang pahayag ni ICC prosecutor Fatou Bensouda dahil ibig sabihin, uusad na ang imbestigasyon.

"It’s like saying there’s probable cause for a crime against humanity in the Philippines that’s why we can go now to the next phase which is the preliminary investigation," sabi ni Gilbert Andres ng grupong Centerlaw.

ADVERTISEMENT

"Meron na po silang natingnan at tinitingnang grupo ng kaso... May nakita talaga silang maaaring imbestigahan ng ICC," sabi ni Romel Bagares mula sa parehong grupo.

Target ng ICC prosecutor na magkaroon ng desisyon sa susunod na 6 na buwan, kung tuluyan bang iimbestigahan ng ICC ang mga patayan kaugnay ng war on drugs sa Pilipinas at kung may kinalaman dito si Duterte.

Pero ngayon pa lang, ipinagkibit-balikat na ito ng Palasyo.

"Hindi po natin kinikilala ang hurisdiksyon ng ICC, at desisyon mismo ng ICC... Sayang lang ang pera at oras," ani Presidential Spokesman Harry Roque.

Ayon naman sa Philippine Drug #nforcement Agency, hindi patas, hindi katanggap-tanggap at base lang sa isang panig ang naging ulat ng ICC prosecutor.

Nagtataka ang PDEA kung paano ito nagkaroon ng findings base lamang sa open-source information.

Gayunman, malaking bagay ito para kay Pasco na patuloy na kumikilos para sa kanyang mga anak.

Bukod sa pagiging aktibo sa kampanya sa ibang bansa, lalahok din si Pasco kasama ng grupo niyang Rise Up at ibang grupo gaya ng Karapatan at National Union of Peoples' Lawyers sa isang international independent investigation na pangungunahan ng mga abogado at faith-based groups sa US, Canada at Australia.

Inilunsad ito nitong Huwebes at tinawag na Investigate PH.

Balak nilang magsumite ng kanilang findings sa UN Human Rights Council, UN General Assembly at maging sa International Criminal Court sa susunod na taon.

"Ito na yung pag-asa... Hinahangad talaga namin na magkaroon ng imbestigasyon at panagutin, ikulong siya at panagutin sa lahat ng mga ginawa niyang pagkakasala," ani Pasco.

ADVERTISEMENT

Ayon naman sa Pangulo, hindi siya takot makulong.

Binanatan pa niya si dating Sen. Antonio Trillanes IV dahil sa pahayag nitong nanginginig na siya sa takot dahil sa ICC prosecutor's report.

"Kung hindi ka talaga ugaling aso. Ako magpakamatay ako sa prinsipyo ko. Kung iyang prinsipyo ko ang ikamatay ko okay iyan sa kanila, ipakulong ako? Okay sa akin iyan, pero ginawa ko ang tingin ko na tama," sabi ni Duterte.

Dagot naman ni Trillanes, malapit na matapos ang maliligayang araw ng Pangulo.

"Remember, all his life, Duterte was never made accountable for his actions. In short, hindi sya sanay sa mga ganitong pagsubok. Pero ngayon, nakikita nya na na malapit na matapos ang kanyang maliligayang araw."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.