Gov’t employee, timbog sa drug bust sa loob ng Sangguniang Panlungsod ng Davao | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Gov’t employee, timbog sa drug bust sa loob ng Sangguniang Panlungsod ng Davao

Hernel Tocmo,
ABS-CBN News
Published Dec 17, 2020 01:40 AM PHT

DAVAO CITY -- Inaresto ng mga operatiba ng Drug Enforcement Team ng Police Station 3 sa lungsod na ito ang isang 40 taong gulang na empleyado ng Davao City Treasurer's Office sa loob mismo ng Sangguniang Panlungsod building.

Ayon sa team leader na si Police Lieutenant Cesar Aaron Robles, isang high-value target umano ang suspect na inaresto Miyerkoles ng tanghali.

Ayon kay Robles, hinuli ang suspek matapos umanong nag-abot ng hinihinalang shabung nakasilid sa candy wrapper sa police poseur buyer.

Suot pa ng suspek ang COVID-19 uniform ng lokal na pamahalaan ng Davao.

ADVERTISEMENT
Nakuha mula sa hinuli ang P15,000 na halaga ng hinihinalang shabu.

Ayon kay Police Major Sean Logronio, hepe ng PS3, patuloy ang kanilang anti-illegal drugs operation kahit mayroong COVID-19 pandemic.

Kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs act ang isasampa laban sa suspek.

Read More:
Drug Enforcement Team
Police Station 3
Davao City Treasurer's Office
shabu
Tagalog news
regional news
regions
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT