Curfew sa lalawigan ng Pampanga, muling pinaaga | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Curfew sa lalawigan ng Pampanga, muling pinaaga

ABS-CBN News
Published Dec 17, 2020 05:38 PM PHT

Ibinalik sa alas-10 ng gabi ang simula ng curfew sa buong lalawigan ng Pampanga simula ngayong Huwebes.

Sa bisa ng Executive Order No. 31-2020 na pinirmahan ni Governor Dennis "Delta" Pineda nitong Miyerkoles, muling ipatutupad ang curfew sa lalawigan mula alas-10 ng gabi hanggang alas-3 ng madaling araw.

Pinabulaanan din ni Pineda na magpapatupad ng lockdown sa lalawigan ngayong Pasko, subalit ipatutupad ang mas mahigpit na pagbabantay laban sa mga lumalabag sa Ordinance 756, o ang mandatory wearing of facemask, at ngayon pati face shield.

Bawal din ang paglabas at paggala ng mga bata lalo na ang mga nangangarolling at namamasko.

ADVERTISEMENT
Nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine ang buong lalawigan.

- ulat ni Gracie Rutao
- ulat ni Gracie Rutao
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT