Wala nang ulan sa Butuan City nitong Huwebes ng gabi pero baha pa rin ang ilang pangunahing kalsada sa lungsod.
Hindi pa naibabalik ang suplay ng kuryente sa ilang barangay dahil maraming poste ang natumba dahil sa malakas na ulan at hangin.
Samantala, tumaas sa 2.05 meters ang lebel ng tubig sa Agusan River alas-9 Huwebes ng gabi.
Pinaaalalahanan ulit ng lokal na pamahalaan Butuan ang mga residente lalo na sa mga barangay malapit sa Agusan River na lumikas na at pumunta na sa malapit na evacuation center.
Samantala, nagpaabot ng tulong ang Philippine Red Cross Butuan - Agusan Del Norte Chapter sa mga lumikas na residente sa Butuan sa pamamagitan ng pamimigay ng hot meals.
Bukod sa pagkain, pinaalalahanan din ng Philippine Red Cross ang mga residente sa tamang paghugas ng kamay.
Photo courtesy of Philippine Red Cross Butuan - Agusan del Norte Chapter
Namigay din sila ng hot meals sa mga na-stranded na mga pasahero sa Nasipit Port.
-ulat ni Charmane Awitan
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.