Coast Guard, naglikas ng mga residente mula sa mga lugar na apektado ng bagyong Odette | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Coast Guard, naglikas ng mga residente mula sa mga lugar na apektado ng bagyong Odette

ABS-CBN News
Published Dec 16, 2021 04:17 PM PHT

MAYNILA - Patuloy ang paglikas na ginagawa ng Philippine Coast Guard sa mga residenteng posibleng maapektuhan ng hagupit ng bagyong Odette sa Mindanao ngayong Huwebes.

Sa Agusan del Norte, inilikas ng mga kawani ng PCG District Northeastern Mindanao ang mga residente ng Poblacion 1 at Poblacion 2 sa bayan ng Tubay bilang pag-iingat sa banta ng bagyo sa probinsiya.

Prayoridad naman sa paglikas ang mga kabataan, may kapansanan at senior citizens na nakatira malapit sa Osmeña Creek, Cagayan de Oro City kasunod ng mabilis na pagtaas ng tubig-baha dulot ng bagyong Odette.

Sa buong Caraga Region, higit 10,000 pamilyang nakatira malapit sa dagat at ilog ang natulungan ilikas ng coast guard bilang precautionary measure sa banta ng bagyong Odette.

Sa Bohol naman, nagsagawa ang PCG personnel ng preemptive evacuation sa Mocaboc Island sa Tubigon kung saan 13 mga bata at 27 adults ang kanilang nailipat sa mainland ng Tubigon sakay ng Coast Guard Aluminum Boat 098 at motorbanca Bandong.

Huwebes ng hapon nang mag landfall ang bagyong Odette sa Siargao sa Surigao del Norte. Ang ika-15 bagyo na pumasok sa bansa ay may taglay na 185 kilometers per hour na hangin at pagbugso na hanggang 230 kph.

Read More:
bagyong Odette
Typhoon Odette
weather
Agusan del Norte
Cagayan de Oro City
Bohol
Philippine Coast Guard
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT