PANOORIN: Aso na naiwang nakatali sa bahay na binaha, sinagip | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

PANOORIN: Aso na naiwang nakatali sa bahay na binaha, sinagip

PANOORIN: Aso na naiwang nakatali sa bahay na binaha, sinagip

ABS-CBN News

Clipboard

Courtesy of Bernie Cruz

Sinagip ng isang lalaki ang isang asong naiwang nakatali sa binahang bahay sa Cagayan de Oro City Huwebes ng hapon.

Sa kuhang video ni Bernie Cruz sa Acacia Street, Cagayan de Oro Miyerkoles ng hapon makikita ang isang lalaki na lumangoy sa baha para sagipin ang isang aso.

Ang kulay puti na aso ay nakapatong sa kahoy malapit sa binahang bahay. Malapit na itong matangay ng tubig baha.

Dali-dali itong nilangoy ni Juneczar Sancho. Umakyat ito sa bubong ng bahay para malapitan ang nakataling aso.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Juneczar naawa siya sa aso baka malunod kaya hindi nag-atubiling sagipin ito. Para mapakalma at hindi mangagat kinausap niya ang aso.

Pinutol ni Juneczar ang tali ng aso at nilagay ito sa bubong ng bahay para hindi matangay ng tubig baha. Hindi na naitawid ni Juneczar ang aso sa kabilang gusali kung saan siya nakisilong dahil sa malakas na agos ng tubig baha. Hintayin na lang nila na humupa ang tubig bago balikan ang aso.

Ayon sa kumuha ng video na si Bernie may isa pang aso ang nakita nila sa bahay pero natangay ito ng baha. Posibleng naiwan ang mga aso ng lumikas ang may-ari ng bahay.

Sa ngayon mataas pa ang lebel ng tubig baha sa lugar dahil patuloy pa ang ulan dala ng Bagyong Odette.

- ulat ni PJ dela Peña

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.