Pinaslang na city health officer ng Guihulngan City, nasa hit list umano ng vigilante group | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pinaslang na city health officer ng Guihulngan City, nasa hit list umano ng vigilante group

Pinaslang na city health officer ng Guihulngan City, nasa hit list umano ng vigilante group

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 16, 2020 07:01 PM PHT

Clipboard

Patay sa pamamaril si Dr. Mary Rose Sancelan at ang kaniyang asawa si Edwin Sancelan Martes ng gabi sa Guihulngan City.

Patay ang incident commander ng local Inter-Agency Task Force at City Health Officer ng Guihulngan City, Negros Oriental na si Dr. Mary Rose Sancelan at ang kaniyang mister matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem nitong Martes sa kanilang tinitirhang subdivision sa Barangay Poblacion sa nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ng Guihulngan Police, papauwi ang biktima galing trabaho sakay ng motorsiklo kasama ang kaniyang mister na si Edwin Sancela, nang pagbabarilin ng mga salarin.

May mga tama ng bala sa katawan at ulo ang mga biktima.

Ayon kay Police Lt. Col. Bonifacio Tecson, hepe ng Guihulngan Police, maraming anggulo ang kanilang tinitingnan sa ngayon kung bakit pinatay ang mag-asawa. Pero hindi na muna niya ito binanggit habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.

ADVERTISEMENT

Bumuo na sila ng task force para tutukan ang kaso.

Nagdadalamhati naman ang Guihulngan City Inter-Agency Task Force sa pagkamatay ni Dr. Sancelan dahil malaki ang kaniyang naging papel para hindi dumami ang kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Humihingi sila ng hustisya para sa mag-asawa.

Kinondena naman ng Karapatan Negros Island ang pagpatay sa mag-asawa.

Ayon sa grupo, kabilang si Dr. Sancelan sa hit list ng anti-communist vigilante group.

Kabilang din sa hit list ang pangalan ng abogado sa Guihulngan City na si Atty. Anthony Trinidad na pinaslang noong Hulyo 2019.

- Ulat ni Romeo Subaldo

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.