'Ang ganda ng pamasko nila': Jeepney phaseout 'di angkop ngayong may pandemya - Poe | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Ang ganda ng pamasko nila': Jeepney phaseout 'di angkop ngayong may pandemya - Poe

ABS-CBN News
Published Dec 16, 2020 03:17 PM PHT

MAYNILA - Hindi angkop ang timing sa napipintong pag-phaseout sa mga tradisyunal na jeepney sa katapusan ng buwang ito, sabi ng isang senador ngayong Miyerkoles.

“Yung timing talaga… Naiintidihan ko, gusto natin ng modernisasyon. Pero, sabi ko naman, 'pag road worthy pa, payagan na muna,” pahayag ni Senadora Grace Poe.

Tugon ito ni Poe sa planong pag-phaseout sa mga pampasaherong jeep sa ilalim ng public utility vehicle modernization program.

Lunes nang magsagawa ng caravan ang mga jeepney drivers at operators sa Metro Manila bilang pagtutol sa phaseout lalo na ngayong may kinakaharap na pandemya.

“‘Di ba, mga jeep natin naglalagay ng mga barriers para safe yung pagbiyahe? Wala naman tayong narinig na sumuway. Kaya sana naman, magkaroon ng puso itong DoTr. Medyo siguro common sense na rin ‘di ba, sa mga nangyayari sa atin,” sabi ni Poe sa panayam sa TeleRadyo.

Ayon sa transport group na PISTON, hiling nila ang 100 porsiyentong makabalik-pasada.

Sabi ng grupo na nasa 387 pa lamang ang nabuksang ruta ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board. Mayroon pa umanong 198 na mga ruta na hindi pa rin pinahihintulutang magbukas.

Maraming mga tsuper na hindi makabiyahe dahil sa pandemya ang namalimos sa kalsada para magkaroon ng pangtustos sa pangangailangan ng kanilang mga pamilya.

"Kulang na kulang mga jeeps natin ngayon. Anong gagawin natin? Muling nagbubukas na ulit ang ating ekonomiya... Ang ganda ng pamasko nila," sabi ni Poe.

RELATED VIDEO:
Read More:
Jeepney phaseout
DoTr
Grace Poe
pampasaherong jeep
TeleRadyo
public transportation
Philippine public transportation
Philippine jeepneys
jeepney pandemic
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT