Matatandaang lubhang napinsala ang Iligan dahil sa bagyong “Sendong” ilang araw bago mag-Pasko noong 2011.
“Sendong talaga is the eye opener [for] Iligan. Siya ‘yung pinakamalupit na bagyong dinaanan namin,” ayon kay Raul Ralph Pocdol ng Iligan City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).
Upang mapaghandaan ang bagyo at manatiling ligtas sa kabila ng hagupit nito, nagbigay ang Iligan CDRRMO ng ilang tips sa episode ng “Red Alert” noong Miyerkoles.
Mahalaga anilang maghanda ang lokal na pamahalaan at barangay kung may abiso para lumikas.
“Identified na ‘yan by barangay, nagsto-storm warning na kami. Ganito ‘yung volume of water, ie-evacuate nila ‘yan. So ‘yung mga tao, handa na sila going to evacuation center,” banggit ni Pocdol.
Makatutulong din anila ang pag-monitor ng lebel ng tubig lalo na sa mga nakatira malapit sa ilog.
Makabubuti naman ang pagkakaroon ng emergency go-bag na maaaring dalhin at gamitin sa oras ng sakuna.
Dito dapat ilagay ang "mga pagkain, survival kits nila, hygiene kits nila, tubig, mga importanteng dokumento sa bahay nila," aniya.
Bukod sa mga nabanggit, makatutulong din na may laman ang go-bag na signaling kit o flashlight na may baterya, powerbank, at battery-powered radio.
Kapag naman may babala mula sa mga awtoridad na lumikas, huwag anila itong balewalain.
Para sa karagdagang detalye, sundan ang “Red Alert” sa Facebook at Twitter .
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.