Prayer vigil isinagawa sa CHR para sa 35 nawawalang sabungero | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Prayer vigil isinagawa sa CHR para sa 35 nawawalang sabungero

Zyann Ambrosio,
ABS-CBN News
Published Dec 15, 2022 07:19 PM PHT

Nagsama-sama ang mga kaanak ng mga nawawalang sabungero sa tanggapan ng Commission on Human Rights (CHR) sa Commonwealth, Quezon City para sa prayer vigil na iniaalay sa kanilang mga mahal sa buhay na hindi pa rin natatagpuan.

Kabilang sa mga nanguna sa vigil si Butch Inonog. Kwento ni Butch, ang kanyang panganay na anak na si John ay hindi naman talaga sabungero kundi driver ng mga ito at nasama lang sa mga dinukot.

Huli niyang nakausap si John noong Enero, habang isinasakay umano ito ng mga dumukot.

Mula noon ay hindi na umano niya matawagan si John kaya hindi napigilan ni Butch na maiyak nang tanungin ang mensahe para sa kanyang anak.

ADVERTISEMENT
“Alam mo anak hindi kita pababayaan, hindi ako titigil hanggang sa mamatay at hindi ako titigil hanggang mahanap ka. Lakasan mo loob mo. Magdasal kayo diyan,” ani Inonog.

Humahagulgol din sa prayer vigil si Carmelita Lasco, ina ni Jonjon Lasco.

Agosto nang huli niyang makausap ang anak hanggang sa may nakita siyang video ng pananakit at pagdukot rito.

“Ilitaw niyo na po, pamasko niyo na po sa amin. Wala naman siyang kasalanan, makatulong pa siya sa hanapbuhay niyo! Hindi nyo naisip na habang pinahihirapan niyo ang anak ko sana isipin niyo mga anak din kayo," ayon kay Lasco.

Nanawagan naman ang mga kaanak ng mga nawawala kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na mabilis sanang lumabas ang resolusyon sa kaso para managot na ang dapat managot.

"Justice Secretary Remulla, mahal na Presidente, sana pagtuunan niyo kami ng kaunting panahon. Sa ating hustisya sana tulungan na kami na matapos na ang kaso na ito," dagdag ni Lasco.

Noong Disyembre 9, nakipagpulong sa ilang kamag-anak ng mga nawawalang sabungero ang Special Investigation Task Group (SITG) kung saan tiniyak ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na tuloy ang paghahanap nila sa mahigit tatlumpung sabungero at sa mga taong sangkot sa kanilang pagkawala.