Paglilikas sinimulan na, ilang biyahe suspendido dahil sa Bagyong Odette | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paglilikas sinimulan na, ilang biyahe suspendido dahil sa Bagyong Odette

Paglilikas sinimulan na, ilang biyahe suspendido dahil sa Bagyong Odette

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 15, 2021 08:43 PM PHT

Clipboard

Pinalilikas ang mga residente ng Barangay Sabang sa Surigao City, Surigao del Norte dahil sa inaasahang pagtama ng Bagyong Odette, Disyembre 15, 2021. ABS-CBN News
Pinalilikas ang mga residente ng Barangay Sabang sa Surigao City, Surigao del Norte dahil sa inaasahang pagtama ng Bagyong Odette, Disyembre 15, 2021. ABS-CBN News

(UPDATE) Libo-libo na ang inilikas habang sinuspende naman ang biyahe sa ilang lugar sa bansa ngayong Miyerkoles sa harap ng banta ng masamang panahong dala ng Bagyong Odette.

Sa Surigao City, Surigao del Norte, na nakararanas ng masamang panahon, halos mapuno na ang mga eskuwelahan matapos lumikas doon ang libo-libong residente na nakatira sa tabing-dagat.

Patuloy pa ring nag-ikot ang mga barangay official para abisuhan ang mga residente na lumikas.

Sa tala ng Surigao del Norte disaster office, umabot na sa 1,793 pamilya o 5,497 inidbiduwal ang lumikas sa anim na lugar sa lalawigan.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

Magtatalaga ng mga pulis sa evacuation centers para matiyak ang physical distancing at malimita ang bilang ng mga evacuee sa bawat kuwarto, bilang pag-iingat laban sa COVID-19.

Sa Hinatuan, Surigao del Sur, sinuspinde ni Mayor Shem Garay ang pasok sa lokal na pamahalaan simula ala-1 ng hapon ngayong Miyerkoles hanggang Huwebes, maliban sa mga emergency responders at solid waste management employees. Ito ay para makapaghanda sila sa paparating na bagyo.

Sa panayam sa TeleRadyo, ibinahagi ni Vitchie Bandoy, pinuno ng Tandag City Disaster Risk Reduction and Management Office sa parehong lalawigan, na nakararanas na sila ng "scattered rains" ngayong Miyerkoles.

"Ginawa na namin lahat yung mga preparedness kasi gusto sana, we're praying na zero casualty kami," aniya.

Bago pa man nakapagdeklara ng preemptive evacuation, may mga residente umano sa coastal barangays ang nagkusa nang pumunta sa evacuation centers "kasi malakas yung alon", sabi ni Bandoy.

Aniya, binabantayan nila ang storm surge at pagbaha sa ilang barangay sa lungsod.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa bayan ng Cagwait, may mga pabugso-bugsong ulan na rin, sabi ni Mayor Lilian Lozada.

Nagkaroon na sila ng pre-disaster risk assessment at na-activate na ang kanilang emergency operation center.

Pinagbawal na ang paglalayag at pagligo sa dagat, at iba pang water-based activities, ayon sa alkalde.

Ipinag-utos na rin ang paglilikas sa mga nakatira sa coastal areas at malapit sa ilog.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nagsagawa na rin ng evacuation ng ilang residente sa Catubig, Northern Samar at Tolosa, Leyte.

Naka-red alert naman ang Cebu City, kung saan inihanda na ang mga gamit para sa mga lugar na posibleng tatamaan ng baha at landslide.

Kanselado muna ang pagbabakuna sa lungsod hanggang Biyernes.

Higit 200 pamilya naman ang inilikas sa Roxas City, Capiz.

Sa Bicol region, kanselado ang mga biyahe mula Sorsogon papuntang Northern Samar dahil sa sama ng panahon, dahilan para ma-stranded sa mga pantalan ang daan-daang biyahero.

Suspendido rin ang mga biyahe ng mga barko at roro sa Iloilo at iba pang bahagi ng Western Visayas.

— Ulat nina Dennis Datu, ABS-CBN News at Ranulfo Docdocan

RELATED VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.