Lahat ng rehiyon sa Pilipinas 'minimal risk' na sa COVID-19: DOH | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lahat ng rehiyon sa Pilipinas 'minimal risk' na sa COVID-19: DOH

Lahat ng rehiyon sa Pilipinas 'minimal risk' na sa COVID-19: DOH

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 14, 2021 08:19 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Maituturing nang nasa "minimal risk" para sa COVID-19 ang lahat ng rehiyon sa Pilipinas, sabi ngayong Martes ng Department of Health (DOH).

Ayon sa DOH, nagpapakita rin ng pag-plateau ng COVID-19 cases ang lahat ng island group sa bansa.

Pero binabantayan ng ahensiya ang Bicol region at Soccsksargen matapos makitaan ng positibong growth rate nitong nakaraang linggo. Ibig sabihin ay bahagyang mas mataas ang kanilang mga kaso kompara sa sinundang linggo.

Sa projection ng DOH, base sa 11,373 na active cases noong Disyembre 11, puwede umanong maglaro sa pagitan ng 1,766 hanggang 9,338 ang active cases ng Pilipinas pagsapit ng katapusan ng Enero 2022.

ADVERTISEMENT

Sa National Capital Region, mula 148 hanggang 325 active cases ang projection ng ahensiya sa katapusan ng Enero.

Nakasalalay pa rin umano sa pagsunod ng publiko sa minimum health protocols kung gaano kababa o kataas ang active cases sa nasabing panahon.

Pinuna naman ni Dr. Alethea de Guzman, director ng DOH Epidemiology Bureau, na hindi mahigpit na nasusunod ang health protocols.

"Kung dati, very conscious tayo, napansin ko sa mga restaurant, dati magtatanggal lang tayo ng mask kapag kakain tapos ilalagay na natin ulit pagkatapos natin kumain," ani De Guzman.

"Ngayon once you start eating tapos kahit tapos nang kumain, hindi na naibabalik hanggang sa lumabas tayo ng restaurant," aniya.

ADVERTISEMENT

Hindi pa kasama sa DOH projections ang posibleng epekto ng mas nakahahawang omicron variant, na hindi pa nade-detect sa bansa.

Para sa DOH, dapat mapanatili ang mababang kaso lalo't lumalabas sa inisyal na datos na posibleng 10 beses mas nakakahawa ang omicron kaysa sa orihinal na variant na nakita sa Wuhan, China.

Ngayong Martes, nakapagtala ang Pilipinas ng 235 bagong COVID-19 cases para sa kabuuang 2,836,868 kumpirmadong kaso, kung saan 10,526 ang active cases.

— Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.