Mga laruang baril, kinumpiska sa Naga, Davao | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga laruang baril, kinumpiska sa Naga, Davao

Mga laruang baril, kinumpiska sa Naga, Davao

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Kahon-kahong mga laruang baril ang kinumpiska ng mga awtoridad sa magkahiwalay na operasyon sa Davao City at Naga City.

Inipon sa harap ng Naga City Hall Miyerkules ng umaga ang nasa 100 piraso ng laruang baril.

Ang iba rito ay mga replica, habang ang iba naman ay may plastic na bala.

Umaabot sa P30,000 ang halaga ng mga baril na kinumpiska ng Naga City Police Office sa pagpapatupad ng lokal na ordinansang nagbabawal sa mga ganitong laruan na maaring magamit sa krimen o kaya ay makasakit.

ADVERTISEMENT

Kasama rin sa mga kinumpiska ang ilang substandard na mga ilaw at Christmas lights na nagkakahalaga ng P18,000.

Samantala, dalawang kahon ng laruang baril ang kinumpiska mula sa dalawang tindahan sa Davao City dahil sa paglabag sa anti-firecracker and pyrotechnics ordinance ng lungsod.

Ang mga nakumpiskang baril ay gumagawa ng malakas na putok at naglalabas ng usok.

Maaring tanggalan ng business permit ang dalawang tindahan kapag napatunayang nilabag nila ang nasabing ordinansa.

Payo ng mga otoridad na iwasan ang pagreregalo ng mga laruang baril sa mga bata ngayong Pasko. - ulat mula kay Bonna Pamplona at Mylce Mella, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.