Pawikan, natagpuang patay sa Cebu

Jude Torres, ABS-CBN News

Posted at Dec 13 2017 04:31 PM

Pawikan. Photo courtesy of Ginatilan Police

Isang pawikan ang natagpuang patay sa baybayin ng Barangay San Roque sa munisipalidad ng Ginatilan sa Cebu noong Lunes.

Natagpuan ng isang mangingisda ang pawikan na may tali sa leeg at putol ang isang paa sa harap.

Ayon sa Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), posibleng naputol ang paa nito nang matamaan ng isang sasakyang pandagat.

May 54 pulgada ang haba ng pawikan at 34 pulgada naman ang lapad nito. Higit din sa 100 kilo ang bigat ng pawikan.

Napagdesisyunan ng lokal na pamahalaan ng Ginatillan na ilibing na ang pawikan na naaagnas na din.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.