Negosyante sa Cebu, iniimbestigahan kaugnay ng bigas galing China | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Negosyante sa Cebu, iniimbestigahan kaugnay ng bigas galing China

Aiza Layague,
ABS-CBN News
Published Dec 13, 2017 11:59 PM PHT

Isang kilalang negosyante sa Cebu ang sentro ngayon ng imbestigasyon sa Bureau of Customs kaugnay ng umano'y pagpapalusot ng sako-sakong bigas galing China.

Hindi na muna binanggit ni Cebu customs district collector Wivina Pumatong kung sino ang nasabing negosyante dahil, ayon sa kanya, patuloy pa ang pangangalap nila ng mga ebidensiya laban sa negosyante.

Sa kanilang paunang imbestigasyon, lumabas na nag-iimprenta umano sila ng mga sako na may local brand at nilalagyan ng lamang bigas na galing China.

"If it can go out from Customs, you cannot identify anymore if it's imported because the sacks are parang Pilipinas gikan, Mayon and Aguila there's no such thing either area like Thailand or Vietnam," ani Pumatong.

Dagdag ni Pumatong, maliban sa consignee at broker, kabilang sa mga iimbestigahan ang mismong mga kawani ng BOC Cebu dahil kanilang nalaman na may nag-submit umano ng pekeng x-ray result kaya nakalusot ang kargamento.

"I have the trust and confidence of the people here but we just have to make systems, procedures more tight. That's what we need para walang loopholes," dagdag ni Pumatong.

Mula Nobyembre hanggang nitong buwan, tatlong sunod-sunod na shipment ang hinarang ng BOC dahil sa mga laman nitong pinalusot na mga produkto.

Una ang shipment na idineklarang mansanas galing China ngunit lumabas na agri-products ang laman gaya ng carrots at patatas. Sumunod naman ang shipment na naglalaman ng mga mamahaling sasakyan at nitong huli ang mahigit P80 milyong halaga ng smuggled rice.