Tren ng LRT-1 nagkaaberya sa R. Papa Station | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tren ng LRT-1 nagkaaberya sa R. Papa Station

Michael Delizo,
ABS-CBN News
Published Dec 11, 2019 09:54 AM PHT

MAYNILA - Naantala ang biyahe ng LRT-1 matapos magkaaberya ang isang tren nito sa bahagi ng R. Papa Station, Miyerkoles ng umaga.

Nagkararoon ng isyu ang disc pad ng tren kaya itinabi muna ito, ayon kay Jacqueline Gorospe, corporate communications head ng Light Rail Manila Corp.

Dahil dito pinairal ang 15 kilometers per hour speed restriction mula Baclaran hanggang Roosevelt stations. Bumalik na ito sa normal na operasyon dakong 8:57 ng umaga.

Tiniyak naman ni Gorospe na nagpapa-biyahe na sila ng skip trains para maserbisyuhan ang mga apektadong pasahero.
Tiniyak naman ni Gorospe na nagpapa-biyahe na sila ng skip trains para maserbisyuhan ang mga apektadong pasahero.
ADVERTISEMENT
Ngayong alas-9 ng umaga, madaming pasahero ang naitala sa southbound ng Roosevelt, Balintawak, Monumento, 5th Avenue, R. Papa, Abad Santos, Blumentritt, Tayuman, Bambang at D. Jose Station. Marami ring pasahero sa northbound ng EDSA Station.