PatrolPH

6 arestado sa buy-bust ops sa umano'y Davao drug den

ABS-CBN News

Posted at Dec 10 2020 01:37 PM

6 arestado sa buy-bust ops sa umano'y Davao drug den 1
Ebidensiyang nakuha ng mga awtoridad nang magkasa ng buy-bust operation sa isang umano'y drug den sa Davao City noong Martes. Retrato mula sa Philippine Drug Enforcement Agency-Davao Region

Anim ang naaresto sa Davao City nitong Martes matapos magsagawa ang mga awtoridad ng buy-bust operation sa isang umano'y drug den sa lungsod.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency, nahuli nila ang 2 hinihinalang drug den maintainer na sina Segundo Llamas Jr. at Lilian Montero Llamas.

Watch more on iWantTFC

Arestado rin umano ang 4 na mga bisita ng den, na matatagpuan sa may Barangay Maasa.

Tinatayang nasa 13 gramo ng hinihinalang shabu ang nasamsam umano sa mga suspek.

Ang mga nahuli ay source umano ng ilegal na droga sa Caraga region, sabi ng PDEA.

Sinampahan ang mga suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

-- Ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.