Mga militanteng grupo nag-rally sa Mendiola ngayong International Human Rights Day | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga militanteng grupo nag-rally sa Mendiola ngayong International Human Rights Day

ABS-CBN News
Published Dec 10, 2017 05:32 PM PHT

Malaking rally sa Maynila ngayong International Human Rights Day, umarangkada na. Kinokondena ng mga militante ang umano’y paglabag ng Administrasyong Duterte sa karapatang pantao. @DZMMTeleRadyo pic.twitter.com/6D5zdR2sCT
— Zhander Cayabyab (@zhandercayabyab) December 10, 2017

MAYNILA - Sinabuyan ng pinutra ng mga militante ang larawan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang rally sa Mendiola ngayong Linggo, International Human Rights Day.

Ito ay bilang pagkondena sa umano'y paglabag ng administrasyong Duterte sa karapatang pantao sa Oplan Tokhang at pagdeklara sa Communist Party of the Philippines-New People's Army na terosista.

Rally sa Maynila ngayong #InternationalHumanRightsDay, umarangkada na. | ulat ni @zhandercayabyab pic.twitter.com/m0rxxVkCGb
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) December 10, 2017

Binanatan din ng mga nagprotesta ang pagdeklara ni Duterte ng martial law sa Mindanao at ang panukala nitong magtatag ng revolutionary government.

Unang nagtipon ang daan-daang miyembro ng iba't ibang militanteng grupo sa Liwasang Bonifacio sa kabila ng pag-ulan. Kinahapunan ay nagmarsta rin sila pa-Mendiola para ituloy ang kanilang rally.

ADVERTISEMENT
-- ulat mula kay Zhander Cayabyab, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT