Opisina ng online lending app na 'nagbabanta' ng mga di nagbabayad, sinalakay | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Opisina ng online lending app na 'nagbabanta' ng mga di nagbabayad, sinalakay

Opisina ng online lending app na 'nagbabanta' ng mga di nagbabayad, sinalakay

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Sinalakay ng mga awtoridad ang isang online lending company sa Sampaloc, Manila dahil umano sa mga reklamong pagbabanta nito sa kanilang mga kliyenteng hindi nakakapagbayad agad ng utang.

Sa bisa ng search warrant, hinaalughog ng mga awtoridad ang bawat palapag ng gusali nitong Biyernes at inabutan ang mga empleyado na nagtatrabaho sa harap ng computer.

Nagkalat din ang mga cellphone at sim card.

Nakatanggap ng mga reklamo ang Philippine National Police Anti-Cybercrime Group mula sa umutang sa Suncash na online lending company na pinapadalhan umano sila nito ng mga mensaheng may pagbabanta kapag hindi agad nila nababayaran ang kanilang utang.

ADVERTISEMENT

"Mga complaints din silang natatanggap na ang ginagawa ng mga online lending siguro mga agent or employees of online lending they are threatening these borrowers [na] kapag kunwari delayed yung payment for even a day kung minsan nga isang araw lang daw. Nakakatanggap sila ng mga threatening messages or even calls from the lending companies," ani PNP Anti-Cybercrime Group chief public information officer Police Lt. Col. Jay Guillermo.

Kuwento ng isa sa mga biktima, Nobyembre nang mangutang siya ng P2,000 sa online lending company.

Nang hindi makapagbayad agad, natakot siya dahil sunod-sunod na text message na ng pagbabanta ang kaniyang nataanggap.

"'Sa mga contact sa celphone ko pati manager ko minimessage po tapos nagmumura. May text pa sila sa celphone ko na lahat ng pamilya ko papatayin ng gunman," ayon sa biktima.

Pinabulaanan ng ilang empleyado na may kinalaman sila sa naturang modus.

Gayunman, hahabulin pa rin ng mga awtoridad ang mga opisyal ng kompanya.

-- Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.