Pagtangkilik sa online sellers, 'e-aguinaldo' hinimok sa Pasko dahil sa pandemya | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagtangkilik sa online sellers, 'e-aguinaldo' hinimok sa Pasko dahil sa pandemya

ABS-CBN News
Published Dec 09, 2020 04:01 PM PHT

Hinimok ng isang e-commerce group ang pagtangkilik sa online sellers sa social media kung naghahanap pa ng maireregalo ngayong magpa-Pasko habang may pandemya.

Ayon kay Mark Joseph Panganiban, executive director ng Digital Commerce Association of the Philippines, makatutulong ito sa kanila.

“Kasi kung mapapansin natin karamihan sa friends natin sa social media ay online seller na ng food. Diyan makikita mo ‘yung homemade cookies, homemade breads," ani Panganiban.

Maaari ring magpadala na lang ng pera sa pamamagitan ng e-wallet.
Maaari ring magpadala na lang ng pera sa pamamagitan ng e-wallet.
ADVERTISEMENT
Una nang ipinayo ng Department of Health na gawing virtual ang selebrasyon ng Pasko sa pamamagitan ng video call at limitahan sa immediate family members ang salu-salo para maiwasan ang COVID-19.

Suspendido rin ang pangangaroling sa labas ng bahay dahil sa pandemya.

Dahil dito, naglunsad ang Sangguniang Kabataan ng Caloocan City ng online Christmas caroling ngayong Disyembre kung saan ipapalabas na lang sa social media ang mga patimpalak.

"Ang patimpalak na isang virtual caroling contest ay naglalayong buhayin ang diwa ng Kapaskuhan sa gitna ng pandemiya ng COVID-19 at sa kabila ng mga unos na pinagdaanan ng ating bansa," ani Hernandez.

Maaalalang sinabi ng pandemic task force na bawal magbahay-bahay ang mga bata para mangaroling ngayong may pandemya.

-- Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT