Tangke ng tubig sa Legazpi City, bumagsak; sanggol at 2 iba pa, sugatan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tangke ng tubig sa Legazpi City, bumagsak; sanggol at 2 iba pa, sugatan

Jose Carretero,
ABS-CBN News
Published Dec 09, 2019 10:33 PM PHT

Tatlo ang sugatan habang ilang bahay ang nasira sa pagbagsak ng tangke ng tubig sa Rosmont Height Subdivision sa Barangay Estanza, Legazpi City Lunes ng gabi.

Ayon kay punong barangay Josephine Balozo, pasado alas-7 ng bumagsak ang tangke.

Puno ito ng tubig kaya maraming bahay ang naapektuhan ng pagbagsak nito.

Dagdag pa ni Balozo, maaaring humina ang pundasyon ng tangke matapos ang pananalasa ng bagyong Tisoy kaya bumigay ito.

ADVERTISEMENT
Nasa ospital na ang mga nasugatan, kasama ang isang sanggol na lalaki.

Napuno naman ng tubig at bato ang mga bahay na dinaanan ng tubig. Hiling ng mga pamilya ngayon ang tulong mula sa developer ng subdivision.

Ayon sa president ng Rosmont Height Subdivision Home Owners Association na si Tess Navera, hindi sila nagkulang sa paalala sa developer ng subdivision na tingnan ang tangke ng tubig lalo na't kadadaan lang ng bagyong Tisoy.

Problema ngayon ng mga residente kung saan kukuha ng tubig.