Tagilid na poste ng kuryente, 2 taon reklamo ng mga residente, inaksiyunan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tagilid na poste ng kuryente, 2 taon reklamo ng mga residente, inaksiyunan

Tagilid na poste ng kuryente, 2 taon reklamo ng mga residente, inaksiyunan

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ganap nang inaksiyunan ang dalawang taon nang reklamo ng mga residente hinggil sa nakahilig na poste sa gitna ng mga bahay sa loobang komunidad sa Sta. Ana, Maynila.

Natatakot ang mga residente ng nasabing barangay na tuluyang matumba at may madisgrasya dahil sa nakahilig na poste ng Meralco.

Luma na ang poste at kahoy pa kaya tinalian na lang ito ng mga residente upang hindi tuluyang bumigay.

“Ni-report ko po ‘yan mga two years ago na tapos ang sabi lang sa’kin, inspeksiyunin nila,” ani Felix Basas, kapitan ng barangay.

ADVERTISEMENT

Agad namang idinulog ng “Tapat na Po” sa Meralco ang problema at nang balikan ito kinabukasan, naabutan pa na pinapalitan ang poste at inaayos ang mga kableng nakakabit dito.

“Ito ay isang 30 feet steel pole para masiguro ang integridad at tibay nito. Anumang attachments nakasampay dito ay di na ‘to tatagilid. Safe, secured,” ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco.

Nagpasalamat naman ang kapitan ng barangay at mga residente bagaman inabot ng dalawang taon ang reklamo bago naaksiyunan.

Paalala naman ng Meralco, i-report sa kanilang call center ang mga problema sa poste o kable.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.