MAYNILA - Naapektuhan ng libreng sakay sa EDSA Bus Carousel ang ilang taxi driver dahil nabawawsan ang kanilang mga pasahero.
Kuwento ng ilang taxi driver, mas pinipili nang sumakay ng bus carousel ang mga pasaherong galing sa probinsiya.
"Kumonti po ang pasahero namin, siyempre mas pipiliin ang libreng sakay," ayon sa taxi driver na si Ruben Taguibolosan.
Ayon naman sa mga tsuper ng bus carousel, mas marami ang mga sumasakay sa kanila tuwing alas-11 ng gabi.
Nagpapasalamat naman ang mga regular na pasahero sa carousel sa libreng sakay.
Magtatagal ang libreng sakay hanggang katapusan ng taon.
Ito ay dahil wala na umanong inilaan na budget para sa proyekto.
Una nang nasabi ng mga awtoridad na nasa P10 milyon hanggang P15 milyon kada araw ang nagagastos para sa libreng sakay.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.