PDEA district chief, ilang tauhan arestado sa buy-bust | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PDEA district chief, ilang tauhan arestado sa buy-bust

PDEA district chief, ilang tauhan arestado sa buy-bust

Nico Bagsic,

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 07, 2022 07:18 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA — Arestado ang hepe ng Southern District Office ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at 5 niyang tauhan sa buy-bust operation sa Taguig City, Martes ng gabi.

Dinampot ang mga suspek matapos bentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa PDEA headquarters.

Nasamsam ng National Capital Region Police Office sa operasyon ang maliliit na pakete at isang malaking package ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng nasa P9 milyon.

Nakumpiska rin ang 4 na baril, buy-bust money at isang timbangan.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Southern Police District chief Brig. Gen. Kirby Kraft, mga aktibong nagtatrabaho pa ang mga PDEA agents na kanilang natimbog sa nasabing anti-illegal drug operation.

Sinabi naman ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo na ikinalulungkot niya na mga kawani pa ng ahensiya ang naaresto.

"Wala pa akong interaksyon sa kanila kasi we're trying to find our bearings in the office and pinag-aaralan namin, and unfortunately this thing happened," aniya.

Ito aniya ay magsisilbing patunay na wala silang pinipili sa kanilang kampanya kontra droga.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa kaso ng mga nasangkot na PDEA agent. Kasalukuyan silang nasa kustodiya ng Metro Manila police.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.