8 magkakamag-anak patay sa banggaan sa Cagayan de Oro | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
8 magkakamag-anak patay sa banggaan sa Cagayan de Oro

ABS-CBN News
Published Dec 06, 2022 01:03 AM PHT

CAGAYAN DE ORO - Walong magkakamag-anak ang nasawi sa isang banggaan sa Cagayan de Oro matapos sila magbiyahe mula sa isang burol nitong Lunes ng madaling araw.

Ayon sa Cagayan de Oro City Police Office, nakasakay sa isang Bongo truck ang mga biktima na galing Zamboanga del Sur matapos sila bumisita sa burol ng isang kaanak. Nasa 20 umano ang sakay ng trak.

Pagdating sa Brgy. Agusan, bumangga na pasalubong sa isang cargo truck umano ang sinasakyan ng mga biktima.

Kabilang sa mga namatay agad ay ang driver ng Bongo truck. Tatlo sa mga nasawi ay namatay sa ospital, ayon sa mga awtoridad.

Nasa 13 naman ang nasugatan sa trahedya.

Ayon sa Cagayan de Oro City Police Office, ang trahedyang ito ang isa sa mga pinakamalala na aksidente sa record ng lungsod.

Sumuko naman ang driver ng cargo truck, at nahaharap siya sa mga kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, at serious physical injuries. - Ulat ni Angelo Andrade