Isko, Leody, Leni kani-kaniyang opinyon tungkol sa pagsuporta sa Duterte bid | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Isko, Leody, Leni kani-kaniyang opinyon tungkol sa pagsuporta sa Duterte bid

Isko, Leody, Leni kani-kaniyang opinyon tungkol sa pagsuporta sa Duterte bid

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Iboboto ni presidential aspirant Isko Moreno si Pangulong Rodrigo Duterte bilang senador sa Halalan 2022.

Ayon kay Moreno, ikaapat sa listahan niya si Duterte. Aniya, handa pa siyang isama ito sa kaniyang senatorial slate.

Tatlo lang ang nasa opisyal na senatorial ticket ni Moreno.

"I'm going to vote for him personally. I'm going to endorse him, hopefully—kung papayag siya, I'll be honored. I'll be humbled and honored na um-oo si Pangulong Duterte," sabi ni Moreno.

ADVERTISEMENT

Si Leody de Guzman, walang planong iboto si Duterte sa Senado. Sa halip, iba ang kanyang balak sakaling manalong pangulo sa 2022.

"Si Duterte, ipakukulong ko sa kanyang mga kasalanan," ani De Guzman.

Tumanggi naman si Manny Pacquiao na sabihin kung iboboto niya si Duterte.

Si Vice President Leni Robredo, iginagalang ang desisyon ni Moreno, pero tila may pasaring siya dito.

"Karapatan niya (Moreno) 'yon... Pero 'yung choices naman not just for the slate, pero 'yung choices naman nating lahat laging reflection siya ng aspirations natin, ng values na pinaniniwalaan natin," ani Robredo.

Si Duterte ay tumatakbong senador sa ilalim ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan.

—Ulat ni Adrian Ayalin, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.