Babaeng nag-'assume-balance' ng kotse, natangayan ng P300,000 | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babaeng nag-'assume-balance' ng kotse, natangayan ng P300,000

Babaeng nag-'assume-balance' ng kotse, natangayan ng P300,000

ABS-CBN News

Clipboard

Arestado nitong Huwebes ang isang babae matapos niyang tangayin ang mahigit P300,000 mula sa isang pinagbentahan niya ng sasakyan noong Mayo 2017.

Dinampot ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Quezon City sa harap ng isang fast food chain sa Cubao si Trisha Ann Mayacyac matapos tanggapin sa biktimang si Joan Babilonia ang marked money na dapat sanang pambayad sa binili niyang sasakyan.

Kuwento ni Babilonia, Mayo 2017 nang bumili siya ng sasakyan kay Mayacyac at parte ng kanilang transaksiyon ang pagsagot niya sa remaining balance ng kotse, o ang natitirang utang para tuluyang mabayaran ang kotse.

Pero ang buwanang hulog, dinedeposito niya sa suspek dahil tiwala siyang ibabayad niya ito sa bangko.

ADVERTISEMENT

"Meron daw siyang naka-issue na PDC (post-dated checks) at pondohan ko na lang daw po 'yun... Kung wala siyang intensiyon manloko bakit binigyan niya kami ng fake na deposit slip, fake na statement of account para paniwalaan kami na updated ang bayad sa bangko di ba?" ani Babilonia.

Iyon pala, ibinubulsa ni Mayacyac ang pera kaya ang ending, napilitang i-surrender ng biktima ang sasakyan sa bangko.

Ayon sa CIDG, posibleng may iba pang nabiktima ang suspek sa kaniyang "assume-balance modus."

"Marami siyang kilala na gusto kumuha ng sasakyan. With her talent nakakuha siya ng clients... Ginagawa niya, pinapa-assume-balance niya, hindi naman niya pinapasok," ani Chief Inspector Joey Caise, hepe ng CIDG Quezon City.

Dapat din umanong maging maingat sa mga katransaksiyon.

"Dapat lagi tayong aware, di tayo puwede magtiwala lang. Dig deeper sa offers na ganyan," dagdag ni Caise.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong estafa.

—Ulat ni Angel Movido, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.