Ika-10 anibersaryo ng paghagupit ng Bagyong Pablo ginunita | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ika-10 anibersaryo ng paghagupit ng Bagyong Pablo ginunita

Ika-10 anibersaryo ng paghagupit ng Bagyong Pablo ginunita

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 05, 2022 05:35 PM PHT

Clipboard

Ginunita noong Disyembre 4, 2020 ang ika-10 anibersaryo ng Bagyong Pablo, isa sa pinakamalakas na bagyong tumama sa Pilipinas. Retrato mula kay Genelyn Yagong
Ginunita noong Disyembre 4, 2020 ang ika-10 anibersaryo ng Bagyong Pablo, isa sa pinakamalakas na bagyong tumama sa Pilipinas. Retrato mula kay Genelyn Yagong

Ginunita nitong Linggo ang ika-10 anibersaryo ng hagupit ng Bagyong Pablo, na isa sa pinakamalakas na bagyong tumama sa Pilipinas.

Sa Davao Oriental, nag-alay ng dasal ang mga residente at lokal na opisyal sa St. James the Apostle Parish sa bayan ng Cateel.

Nagsindi rin ng kandila sa labas ng kanilang mga bahay ang mga biktima ng bagyo at inalala ang mga nasawi.

Ayon sa provincial government ng Davao Oriental, wala nang bakas ng pananalasa ng bagyo sa lugar kasunod ng 10 taon.

ADVERTISEMENT

Pero hindi anila makakalimutan ng mga residente ang kanilang pinagdaanan para muling makabangon.

Umabot sa higit 1,000 ang namatay sa pagtama ng Bagyong Pablo sa Mindanao noong Disyembre 2012.

-ulat ni Hernel Tocmo

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.