BJMP naghahanda sa posibleng pagbukas ng granular visitation sa mga PDL | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

BJMP naghahanda sa posibleng pagbukas ng granular visitation sa mga PDL

BJMP naghahanda sa posibleng pagbukas ng granular visitation sa mga PDL

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 08, 2021 02:12 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA (UPDATE)—Nakaabang na ang pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology sa desisyon ng Inter-Agency Task Force tungkol sa granular opening for non-contact visitation sa mga persons deprived of liberty.

Ayon kay BJMP spokesperson Chief Insp. Xavier Solda, pinag-aaralan na ito ngayon at hinihintay na lang kung aaprubahan ito ng IATF at uunahin ito sa mga low risk areas.

Ilan sa mga posibleng mga panuntunan ang mga sumusunod:

  • kailangang fully vaccinated ang dadalaw
  • isang kamag-anak lang ang papapasukin kada dalaw
  • bibigyan ang kamag-anak ng 1 oras para makipag-usap sa kaanak na PDL
  • hindi papayagan ang mga menor de edad na makapasok o makadalaw

Hindi pa masigurado kung kailan ito mag-uumpisa pero ilang pasilidad ng BJMP ang nag-pilot testing na sa Central Visayas, MIMAROPA, at Cordillera.

ADVERTISEMENT

"Wala na ho 'yung kagaya dati na nagkakaroon pa ng yakapan. Ngayon po, talagang magkikita lang sila at magkakausap kasi non-contact visitation po ang i-implement ng BJMP," ani Solda sa panayam sa TeleRadyo Miyerkoles.

Ipapatupad ang non-contact visitation sa mga lugar lamang na nasa COVID-19 Alert Level 1 and 2.

Samatantala, ibinalita ni Solda na iisa na lang ang natitirang COVID-19 case na PDL sa buong bansa.

“Isang aktibong kaso na lamang po ng COVID-19 case ang natitira sa aming mga piitan at tinututukan ngayon ng pamunuan ng BJMP. Ikawalong araw na rin po na wala tayong naitatalang kaso ng COVID 19 sa ating mga PDL,” aniya.

Simula Marso noong nakalipas na taon, nakapagtala ang BJMP ng kabuuang 4,672 na kaso kung saan 4,552 ang fully recovered na.

ADVERTISEMENT

Ibinalita rin ni Solda na 119,070 sa 125,589 PDL ang nabakunahan na.

“Ibig sabihin po nito, ang aming total percentage of vaccinated PDL ay umabot na ng 94.81 percent. Samantala, 95,813 sa 119,070 na PDL ay fully vaccinated na.”

Umaasa ang BJMP na bago matapos ang taon ay mapabakunahan na ang lahat ng PDL.

—Ulat ni April Rafales, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.