Pagdami ng COVID-19 cases sa Metro Manila asahan sa holidays, ayon sa grupo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagdami ng COVID-19 cases sa Metro Manila asahan sa holidays, ayon sa grupo

ABS-CBN News
Published Dec 05, 2020 03:54 PM PHT

MAYNILA - Inaasahang tataas ang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ngayong holiday season, partikular na sa Metro Manila dahil sa overcrowding, babala ng research group.

Ito ay dahil anila sa mas maluwag na quarantine restriction at dagsa ng mga tao sa mga pasyalan at pamilihan at sa mga pagdiriwang ng Pasko.

Ayon kay Guido David ng OCTA Research, posibleng umabot sa hanggang 1,000 ang dagdag-kaso pero dapat nasa hanggang 600 lang ang surge na maitatala kada araw.

Pinakamalala na aniya kung aabot ito ng 800 hanggang 1,000 kaso para sa Metro Manila.
Pinakamalala na aniya kung aabot ito ng 800 hanggang 1,000 kaso para sa Metro Manila.
ADVERTISEMENT
"Ang iniiwasan natin is 'yung case na mag-increase tapos bumalik tayo sa 2,000 cases per day. Ang ine-expect namin kahit magka-surge ngayon, baka umabot sya ng 800 to 1,000 cases per day sa Metro Manila. Kaya pa naman 'yan ng city, pero hindi naman natin gusto tumaas 'yan,” ani David.

Maaalalang pinayagan ang paglabas ng mga menor de edad sa mga mall sa Metro Manila kung may importanteng pupuntahan gaya ng clinic o kaya government center.

Pero kung bababa naman daw ang kaso kahit tapos na ang Pasko, o kung nasa 200 na lang ang dagdag na kaso kada araw, puwede nang luwagan sa modified general community quarantine ang Metro Manila, ayon kay David.

“Kumbaga ‘yan lang yung parang threshold natin, pagkatapos ng holiday season ang inaahasan natin muli nang bababa na 'yung kaso. Nag-improve na tayo,” dagdag niya.

Pero giit ni David, dapat pa ring bantayan ang mga nasa hotspot gaya ng Laoag at Davao City. Dapat ding sundin ang health protocol.