Hinuling buwaya sa Palawan, kumpirmadong pumatay ng mangingisda | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Hinuling buwaya sa Palawan, kumpirmadong pumatay ng mangingisda

Hinuling buwaya sa Palawan, kumpirmadong pumatay ng mangingisda

Lynette dela Cruz,

ABS-CBN News

Clipboard

BALABAC, Palawan- Kumpirmadong ang nahuling buwaya dito noong Sabado ay ang pumatay sa isang mangingisda noong Nob. 27 ayon sa mga awtoridad.

Ayon sa Palawan Wildlife Rescue and Conservation, 100 porsyento silang sigurado na ang nahuling buwaya ay ang umatake sa mangingisdang si Cornelio Bonite sa Barangay 5, Balabac.

Naging basehan ng PWRC ang kuwento ng pamilya Bonite na sugat sa buntot ng buwaya at ang ugali nito na pagiging "territorial" na matagal na rin napuna ng mga residente sa lugar.

Dahil dito, hindi na umano kailangan isailalim sa gastric lavage ang buwaya.

ADVERTISEMENT

Ang gastric lavage ay isang proseso kung saan papasukan ng tubo ang buwaya para lamanan ng tubig upang malaman ang laman ng tiyan nito.

Dinala na nitong Martes sa PWRC sa Puerto Princesa ang buwaya na pinangalanang "Singko," sunod sa barangay kung saan ito nahuli.

Halos dalawang araw ang lumipas bago natagpuan ang bangkay ng mangingisda na palutang-lutang sa mangrove area ng Sitio Buwal, Barangay Malaking Ilog. Nangangamoy at naagnas na ang katawan ni Bonite nang matagpuan.

Bago pa ang pag-atake ng buwaya, madalas nang namamataan itong gumagala-gala sa residential area.

Paglilinaw naman ng mga awtoridad mahalaga na itaas ang kaalaman ng mga residente sa Balabac ukol sa buwaya dahil natural na tirahan ito ng nasabing hayop.

Nanawagan rin ang PWRC sa proper zoning sa lugar upang magkaroon ng limitasyon sa mga lugar na puwedeng puntahan ng mga tao.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.