Flash flood nararanasan sa Oriental Mindoro; 2 patay sa landslide | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Flash flood nararanasan sa Oriental Mindoro; 2 patay sa landslide

ABS-CBN News
Published Dec 04, 2020 06:45 PM PHT

Isa ang Sitio Tigbao, Barangay Montelago, Naujan, Oriental Mindoro sa tinamaan ng flashflood 📷: Shen Francisco Fabon pic.twitter.com/ijSbXjXbxJ
— Dennis Datu (@Dennis_Datu) December 4, 2020

MAYNILA — Nalubog sa baha ang maraming bayan sa Oriental Mindoro dahil sa biglaang pagragasa ng baha.

Ayon kay Vincent Gahol, head ng Oriental Mindoro Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, kabilang sa mga lugar na binaha ay ang mg bayan ng Pola, Naujan, Victoria at Pinamalayan.

Sa bayan ng Naujan, kita sa video at mga retrato ni Bayan Patroller Shen Francisco Fabon ang pagragasa ng baha sa Sitio Tigbao at Sitio Balangibang sa Barangay Montelago.

Flashflood sa Brgy. Montelago, Naujan, Oriental Mindoro 🎥: Shen Francisco Fabon pic.twitter.com/Vc0xOjmFL9
— Dennis Datu (@Dennis_Datu) December 4, 2020
Flashflood sa Brgy. Montelago, Naujan, Oriental Mindoro 🎥: Shen Francisco Fabon pic.twitter.com/Vc0xOjmFL9
— Dennis Datu (@Dennis_Datu) December 4, 2020
Sa Sitio Sucot sa Barangay Bayani naman, patay ang 25 anyos na si JP Festigo at ang 4 anyos niyang anak na lalaki nang matabunan ng lupa ang kanilang bahay nitong Biyernes ng madaling araw.

ADVERTISEMENT
Gumuho ang gilid ng bundok kaya natabunan ng lupa ang kanilang bahay.

Ayon sa Naujan Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, di bababa sa walong bahay ang nasira sa nasabing mga lugar.

Sa bayan ng Pola naman, nilamon ng baha ang isang bahay sa Barangay Maluanluan.Wala nang nagawa ang mga residente kundi panoorin ito.

Lubog sa baha ang mga barangay Casiligan, Maluanluan, Calubasanhon at Batuhan.

Ayon kay Pola Mayor Jennifer Cruz, ito ang unang beses na nakaranas ang kanilang bayan ng biglaang pagragasa ng tubig.

Simula pa Biyernes ng madaling araw malakas at tuloy-tuloy ang pag-ulan sa Oriental Mindoro dahil sa low pressure area, amihan at buntot ng cold front.

Nakaalerto na at binabantayan ng mga disaster officials ang mga ilog dahil malapit na sa critical level ang mga ito.

—Mula sa ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT