Bagyong Tisoy nagdulot ng sari-saring pinsala sa ilang lalawigan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bagyong Tisoy nagdulot ng sari-saring pinsala sa ilang lalawigan

ABS-CBN News
Published Dec 04, 2019 07:48 PM PHT
|
Updated Dec 04, 2019 11:10 PM PHT

NAGA CITY — Walang kuryente at pahirapan pa rin ang linya ng komunikasyon sa Camarines Sur matapos manalasa doon ng bagyong Tisoy.

Naramdaman sa Camarines Sur ang lakas ng ihip ng hangin na may kasamang ulan madaling araw ng Martes.

Tapos na ang kalamidad bandang umaga pero nagbagsakan sa kalsada ang mga poste ng kuryente at telco.

Buong araw din ng Martes ay walang linya ng komunikasyon pero naibalik na ito Miyerkoles ng umaga.
Buong araw din ng Martes ay walang linya ng komunikasyon pero naibalik na ito Miyerkoles ng umaga.
ADVERTISEMENT
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ng CamSur, patuloy ang monitoring at pagkumpirma nila sa iba pang naiulat na biktima ng bagyong Tisoy.

May mga nagsiuwian na pagkatapos manalasa ng bagyo, pero hiling ng mga nasalanta ay mabigyan sila ng construction materials para muling maitayo ang kanilang mga bahay.

Humihingi rin sila ng relief goods.
Humihingi rin sila ng relief goods.
Samantala, idineklara na ang state of calamity sa Sorsogon at Albay dahil sa malawakang pinsala ng bagyo.

Nagpapatuloy naman ang damage assessment ng Albay Power and Energy Corporation sa mga poste ng kuryenteng nasira ng bagyo.
Nanawagan din ang ilang motorista sa agarang pag-alis ng mga sagabal sa kalsada dahil may ilan nang naaksidente doon.

Nag-iwan naman ng malaking pinsala sa mga bahay sa northern Samar ang bagyong Tisoy.

Gayunman, walang naiulat na nasaktan o nasugatan.

Pero sa lakas ng hangin, bumaligtad ang ilang cargo truck.

Sa ngayon ay hindi pa naibabalik ang suplay ng kuryente sa probinsiya ng northern Samar at pahirapan pa rin ang kumunikasyon.

Isinailalim na rin sa state of calamity ang Calbayog City.
Isinailalim na rin sa state of calamity ang Calbayog City.
ADVERTISEMENT
Sa bayan naman ng San Andres, Quezon kung saan dumikit ang mata ng bagyong Tisoy, higit 1,000 bahay ang nawasak dahil sa hagupit nito.

Ayon sa mga residente, kailangan nila ng tulong para maipagawa muli ang mga nasira nilang impraestruktura.

Ayon kay San Andres Mayor Giovanne Lim, ngayon lang sila nakaranas ng bagyong ganoon kalakas at ganoon katagal.

"Grabe 'yung naranasan namin... Mula midnight hanggang alas-8, hindi siya tumigil... 'Yung mga alon sobra nang lakas... We will do what we can here, pero sa tingin ko hindi namin kakayanin mag-isa. Kung may puwede pong tumulong, nakikiusap po kami," hiling ni Lim.

Sa huling tala, umabot na sa 13 ang namatay dahil sa hagupit ni Tisoy sa Luzon at Visayas.
Sa huling tala, umabot na sa 13 ang namatay dahil sa hagupit ni Tisoy sa Luzon at Visayas.
ADVERTISEMENT
Ayon sa Department of Agriculture, pumalo na sa kalahating bilyong piso ang pinsala ni Tisoy sa mga ari-arian at agrikultura hindi lang sa Bicol region kung hindi sa Calabarzon din.

Nakahanda naman ang ahensiya sa pamimigay ng mga pananim sa apektadong magsasaka.

Itinuturing si Tisoy na pinakamalakas na bagyong tumama sa bansa ngayong taon. —Ulat nina Jose Carretero, Mylce Mella, Chiara Zambrano, at Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News