Pagpapalit ng kandidato sa halalan, pinapayagan ba? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagpapalit ng kandidato sa halalan, pinapayagan ba?

ABS-CBN News
Published Dec 04, 2018 01:15 PM PHT
|
Updated Sep 02, 2019 03:22 PM PHT

May ilang pagkakataon na kahit naghain na ng certificate of candidacy (COC) ang isang kandidato ay babawiin niya ito at magpapapalit o magpapa-substitute sa kaniyang kapartido.

Candidate substitution ang tawag dito, na ayon sa isang abogado ay pinapayagan ng batas.

Ayon sa Omnibus Election Code, pinapayagan ang pagkakaroon ng substitute candidate sa ilalim ng ilang kondisyon, gaya ng kusang pagdedesisyon ng kandidato na hindi ito tatakbo, o kapag namatay ito.

Maaari ring palitan ng partido ang kanilang kandidato kapat nakita ng Commission on Elections na may batayan para i-disqualify ito, gaya na lamang kung hinatulan ito kaugnay ng isang krimen o sa isang election offense.

"Kunyare, bumaba 'yung desisyon dahil siguro na-convict siya of a crime with moral turpitude o nakagawa siya dati ng isang election offense na nakakabit doon 'yung parusang hindi siya maaaring tumakbo, doon na maaaring mag-substitute ng kandidato" ani Atty. Noel Del Prado sa "Usapang de Campanilla" nitong Lunes.

Substitution ang nangyari noon kay Pangulong Rodrigo Duterte nang palitan niya si Martin Diño bilang presidential candidate ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-LABAN) noong 2015.

Iginiit ni Del Prado na bawal makipagpalit ang mga independent candidate at mga kandidato lamang na may party-list ang maaaring magsalang ng substitution candidate.

Dagdag niya, may nakatakdang panahon lamang para isagawa ang substitution para matiyak ng Comelec na maisasama ang pangalang ipapalit sa balota, kumpara noong manual elections na isinusulat pa ang pangalan ng kandidato.

"Dati kasi, lahat, kahit sino kumakandidato isusulat mo, kaya mahalaga sa Comelec na matiyak kung sino ang tatakbo sa posisyon," aniya.

Hanggang Nobyembre 29 lang ang pagbibigay ng pangalan para sa mga substitution candidates para sa 2019 midterm elections.

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Usapang de Campanilla
DZMM
Batas Kaalaman
midterm elections
Halalan2019
substitution candidate
Rodrigo Duterte
Martin Dino
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT