PatrolPH

2 arestado sa bakbakan ng NPA, militar sa Davao del Norte

ABS-CBN News

Posted at Dec 03 2021 10:57 AM

Nahuli ng mga sundalo ang dalawang miyembro umano ng New People's Army sa bakbakan ng militar at rebelde sa Talaingod, Davao del Norte nitong Martes.

Ayon sa Eastern Mindanao Command, natiklo ang isang medical officer at isang supply officer ng mga rebelde sa 20-minutong engkwentro sa Sitio New Laslasakan, Barangay Palma Gil.

Binigyan ng first aid ng militar ang nasugatan sa mga nahuli at dinala sa malapit na ospital.

Nakumpiska ng mga sundalo ang tatlong M16 rifle, M4 rifle, mga medical kit, at iba pang personal na gamit ng mga inarestong rebelde.

Ayon kay Eastmincom Commander Lt. Gen. Greg Almerol, patuloy ang pagtugis nila sa mga rebeldeng NPA hanggang makamit ang layuning mahinto ang communist armed conflict sa bansa sa susunod na taon.

— Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.